Thursday, October 14, 2004
Para sa isang lalake sa Buhay ko..
Nahulog ako ng di ko namamalayan…
Umasa…
Nagmahal…
Nasaktan…
Naloko…
Kung alam mo lang kung gaano kasakit…
Ang Iwan at paglaruan…
Saan ako nagkulang?
Saan ako nagkamali?
Habang iniisip ko ang mga araw na kasama kita…
Di ko akalain na magkaka ganito…
Ngayon, magtatatlong taon na ng iwan mo ko…
Sa ngayon dapat naka alpas na ko sa sakit na binigay mo
Pero hindi
Hindi
Parin…
Hindi parin pala…
Naalala ko pa dati…
Ang sabi mo…
“di kita iiwan”
di mo nga ako iniwan…
nandito kaparin kasi sa puso ko…
sana iniwan mo nalang ako…
sana umalis ka nalang…
sana di nalang kita nakilala…
masakit, oo..
pero alam ko kailangan kitang kalimutan
kailangan kung iwan ang multo ng nakaraan….
Habang sinusulat ko to…
Unti unting nauubos ang mga alaala mo…
Unti unting nauubos…
Inisip ko…
Sana, pagibig ko din ganon…
Nawawala na ng dahan dahan…
Di kita sinisisi kung bakit mo ko iniwan…
Sinisisi kita kasi ayaw akong iwan ng nakaraan…
Alam ko sa sarili ko…
Di kita makakalimutan…
Darating ang araw na may darating na iba…
Iibig ako muli…
Pero alam ko na isang araw
Ay babalik muli ang mga alaala ng nakaraan.
Siguro nga mahirap talaga ang sitwasyon kong ganito…
Sitwasyong tanga…
Manhid
At walang pakialam
Gusto kong mawala ang lahat ng nararamdaman ko…
Gusto kong mawala ang pag ibig ko sayo…
Pero Sino ba ako para tanggalin ito?
Sino nga ba ako para pangunahan ang puso’t isipan ko?
Sino nga ba ako para pigilin ang nararamdan ko?
Sino nga ba ako sa mundong ito?
Hindi ko alam…
Kung sa mundo…
Hindi ko alam…
Masyado itong malaki…
Pero sayo?
Ako?
Sino nga ba ako sa buhay mo?
Ako?
Wala lang ako sa isang katulad mo…
.|.
dreamed.at .|. 8:32:00 AM