Wednesday, October 13, 2004
isang tula para sa iyo.
masaya na ako na nakikita ka araw-araw..
kahit na di kita makausap,
kahit di man nagpapansinan,
ok lang!
kasi masaya na ako an nandyan ka sa harap ko,
nakatitig lang ako sayong mukha,
at nakaabang sa lhat ng gagawin mo..
alam ko na mukhang tanga!
alam ko na wala na talagang pag-asa!
pero hindi ko pa din maintindihan,
kung bakit mahal parin kita,
kahit alam ko na may mahal ka ng iba,
at wala na ako sa buhay mo..
masaya na ako na naramdaman ko ang pagmamahal mo..
alam ko naman na kahit paano ay minahal mo rin ako.
pero talagang kulang lang siguro,
kaya naghanap ka ng iba..
masakit, sobrang sakit,
na isipin na dati-rati ako ang kasama mo,
kakwentuhan mo,text ko ang hinihintay mo,
kamay ko ang hinahawakan mo, sinasabi mong mahal mo ako..
at ngayon, sya na ang nagpapakumpleto ng buhay mo..
oo masakit, pero kailangang tanggapin..
masaya na ako na naging bahagi ako ng buhay mo.
masaya na ako na hanggang tingin na lang ako sayo.
masaya na ako, na kahit sakit at lungkot ang iniwan mo,
may tunay na kaligayahan na nadama ang puso ko sa piling mo..
salamat...
.|.
dreamed.at .|. 8:30:00 PM